Ipinatupad ng Manila Water at Maynilad, simula ng gabi ng October 24, 2019, ang rotational water supply interruption sa Metro Manila, Rizal at ilang lugar sa lalawigan ng Cavite. Ito ay bunsod ng patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam dala ng kakulangan ng ulan sa lugar ng Angat at karatig na pook.

Ngayong araw ng Martes, Ika-29 ng Oktubre 2019 (7AM), ang lebel ng tubig sa Angat Dam ay nasa 185.45 metro. Ibig sabihin nito, 5.45 metro na lang ang taas kaysa sa normal na lebel na nasa 180 metro. Dagdag pa, ang lebel ng tubig na ito ay mas mababa ng 26.55 metro kumpara sa inaasahang 212 metro na lebel ng tubig sa Angat Dam sa December 2019.

Kinakailangan na ipatupad ang rotational water supply interruption para masigurado na mayroon tayong sapat na supply ng tubig na aabot hanggang sa panahon ng tag-init o lagpas pa.

Bukod pa rito, may mga ilang hakbang na ginagawa ang Manila Water at Maynilad upang matugunan ang patuloy na pagbibigay ng serbisyo kung aabot tayo sa kritikal na sitwasyon pagdating ng tag-init kung magpapatuloy ang kakulangan ng inaasahang pag-ulan. Ang ilan rito ay ang patuloy na pagmamanipula ng daloy ng tubig sa mga linya upang ang lahat ay magkakaroon ng tubig araw-araw. Kumukuha na rin tayo ng tubig sa mga na-rehab na mga matagal na hindi nagagamit na mga deepwells at mga bagong drilled-deep wells. Inatasan na rin ang pag-gamit sa full capacity ng mga iba pang pinagkukunan ng tubig gaya ng Laguna Lake. Katulad ng nakaraan, ipapatupad na rin ang pagdeliver ng mga water tankers at pagpatayo ng mga water storage tanks sa ibang piling matataas na lugar.

Ang MWSS kasama ang Manila Water at Maynilad ay patuloy na nananawagan sa publiko sa responsabling pag-gamit ng tubig at ang pag-imbak ng tubig na sapat lng sa panganga-ilangan sa isang araw upang ang lahat ay mabigyan ng supply bunsod ng kritikal na sitwasyon ng lebel ng tubig sa Angat dam sa kasalukuyan.

Salamat po.